Jul 17, 2010

Paano ba mag-budget?

Tulad ng sinabi ko, a budget is a plan, hanapan mo ng panahon para gumawa ka ng budget.

Mag-set ka ng budget or pay periods. Ang examples ko are based on kinsenas-katapusan so the periods are 1-15 period and 16-31 period. Ang idea ng pay periods is the same as loading a balance to a prepaid cellphone. You spend what you have.

Ito ang mga simpleng steps para makagawa ka ng budget.

1. Alamin ang papasok na pera (income)

Isulat mo, or i-type mo sa spreadsheet or document ang mga pumapasok mong pera. Examples are sweldo, renta (kung meron kang properties), regalo or remittance.


2. Alamin ang palabas na pera (expenses)

Examples are renta, amortization sa bahay, kuryente, gas, bayad sa kotse, grocery, school tuition and fees, sweldo ng mga kasama sa bahay, baon, pamasahe, sine, kape, cellphone bills or load, internet, cable, regalo, etc.


3. Alamin kung kelan pumapasok ang pera (pay dates).

Kung kinenas-katapusan ka, alamin kung kelan ang exact dates ng sweldo mo.


4. Alamin kung kelan lumalabas ang pera (due dates).

Sa fixed expenses, usually monthly to. Sa variable expenses, tulad ng Starbucks coffee or nood ng sine, mag-set ka ng schedule kung kelan ka usually bumibili ng mga ito.

5. Isama mo ang savings sa expenses.

Oo, true ito. Isipin mo na lang na gastos din sya. Kung hindi mo kasi isasama, makikita mong marami ka pa palang pera. Pay yourself first. Itabi mo na agad bago mo gastusin.


6. Add the total expenses and subtract from the total income.

Simpleng math lang yan. Kung ang kuryente mo is due in the first week of the next month, ilaan mo ang bayad sa 1-15 period (sweldo from katapusan). Kung ang cable falls in the 3rd week, ilaan sa 16-31 period (sweldo from kinsenas).

7. Desisyunan kung ano ang pwedeng itanggal sa budget.

Kung di mo pa kayang di manood ng sine or itigil ang pagbili ng Starbucks coffee, by all means isama mo sa budget kung may malaking tira ka pa after mo gawin ang #6. Kelangan mo ba talaga ng Php1,500 cellphone plan? Baka naman pwede ka na lang mag-prepaid for Php100/week.

Ang sikreto sa successful na pagba-budget ay dapat walang matira kahit piso sa araw bago ka sumweldo. Ang tawag ko rito ay zero-based budget.

Ibig sabihin nyan ay bawat piso mo ay nakalaan na. Ang sweldo mo ng akinse, dapat hanggang katapusan lang ng buwan. Yung katapusan mong sweldo, hanggang akinse lang.

Maski Php100.00 kang natitira, ilaan mo sya sa ipon or ibayad sa utang mo. Wag mong i-roll over or carry over ang tira sa susunod na sweldo para masanay kang mabuhay sa sweldong natatanggap mo. Pag ni-roll over mo kasi, lalaki ang next pay period so feeling mo marami kang pera, which is not exactly true.

Sa ganitong paraan, mababago mo ang paraan ng iyong pag-iisip. Kung nagne-neto ka ng Php15,000 kinsenas, sanayin mong mamuhay sa ganong kalaking pera lang. Ang kagandahan pa nyan, pag lumaki ang sweldo mo sanay ka nang mamuhay sa mas maliit na kinikita. Mas marami ka nang maiipon or mas malaki na ang pambayad utang mo.

No comments:

Post a Comment