Image by A Long, Lone Run via Flickr
Noong medyo bata-bata pa ako, nalilito ako sa meaning ng budget.Merong definition sa dictionary, pero sa araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga iba't-ibang tao na may iba-ibang definitions, ang nabuo kong meaning ay -- budget is money left in your pocket.
Mahirap din na wala rin akong actual experience about managing my own money dahil ang parents ko palaging andyan to guide. Gusto pa nga nila na sila ang mag-ipon on my behalf. Bibigyan ko sila ng pera na sila ang magtatago, either by investing it or just saving it, pero di ko rin ginawa yun kasi gusto kong matuto.
Bago ako natuto, marami rin akong ginawang walang kinalaman sa goal kong maging financially literate. Andyan yung gumamit ako ng gumamit ng credit card tapos ang tagal bago ko mabayaran, nood ng sine, shopping, hang out sa Starbucks, puro gastos.
Noong nagka-asawa na ako, naging aware na ako sa labas-masok ng pera namin. I started tracking our spending, as in lahat! Down to the cent talaga. Noong nagka-anak naman kami, mas naging kuripot ako.
Nagkaroon din kami ng utang na hanggang ngayon binabayaran pa rin namin. Ang kaibahan nga lang ng ngayon sa noon ay naka-focus na kami sa pagbabayad ng mga kautangan namin. Dati kasi pinagsasabay ko ang bayad-utang at pag-iipon. Medyo mahirap sya lalo na pag may mga anak kayo. Mahirap sya dahil di mo maibigay ang full focus mo sa 1 bagay. Marami rin akong natutunan dahil marami rin akong in-experiment para marating ang financial literacy ko ngayon. Hindi ako financial adviser pero marami akong opinyon.
Ang una kong natutunan sa pagiging independent, lalo na sa pera, is that a budget is a plan.
Nagba-budget ako for the entire year. Alam ko na ang paydays sa buong taon. Ang sweldong pumatak sa January 1 ang nilalagay kong sweldo sa buong taon. Ina-adjust ko na lang pag may increase or bonus man.
Ika nga,
If you fail to plan, you plan to fail.
Totoo yon! Kung hindi mo alam san napupunta ang pera mo, or kung san pupunta, wala kang control sa isang bagay na dapat may control ka.
Ang kalaban mo ay ang sarili mo lang. Hindi mo pwedeng sisihin ang advertisements kung bili ka ng bili. Ang pera ay nasa kamay mo, wala sa advertising agencies.
Noong nagsimula na akong mag-plano, nagulat ako! Sa buong taon may estimate na ako ng mga lumalabas na pera to pay fixed expenses, tulad ng kuryente, daycare, grocery, gas, insurance, pamasahe, at minimum credit card payments. Ang laki! Doon ko na-realize na kung may matira man, konti na lang. Ibig sabihin lang non is either ipunin ko yung tira or gastusin ko sa mga variable expenses -- tulad ng panonood ng sine, shopping, regalo, bakasyon, at kung ano-ano pa.
Ang una mong maa-achieve sa pagplano (or pag-budget) is awareness. Di ka pala ganon kalakas kumita kung ganon ka rin kalakas gumastos. Marami kang magiging tanong, like:
- Magkano kaya maiipon ko kung di na ako bibili ng kape sa Starbucks?
- Pwede kaya kaming magbawas ng grocery budget?
- Ibenta ko ba ang mga gamit na di nagagamit at gumagamit ng kuryente?
- Kelangan ko ba ng 2 kasama (katulong) sa bahay?
- Kelangan ba naming mag-kotse araw-araw?
- Magkano kaya kung mag-jeep or mag-MRT/LRT na lang kami?
- Kelan na lang kami pwedeng kumain sa labas?
- Magpapakasal pa ba kami ng bongga?
Sa una medyo mahirap lalo na kung sanay ka to experience the finer things in life. Pero ang totoo nyan, nagpapaka-totoo ka lang.
May budget ka na ba? Kung wala, may plano ka bang gumawa ng budget? Kung meron, anong mga natutunan mo?
No comments:
Post a Comment