I call it sanity money. Personal money yan, walang pakialaman kami ng asawa ko. Bahala kami kung san namin gagastusin. Di namin sinasama ang pamasahe dyan. Pamasahe is another expense na dapat may budget kayo.
Image via Wikipedia
Dyan namin kinukuha ang pang-gastos sa mga personal activities or events na gusto naming gawin, such as eating out or inuman with office mates or friends. Kung nag-yoyosi ka, dyan mo rin kukunin. Kung bumibili ka ng coffee, sa allowance mo rin sya kukunin. Manicure, pedicure at facials ay dapat sa allowance rin hugutin. I don't consider them to be in the Health category.Pag may budget na kasi kayo, lahat out in the open eh. Pakiramdam ko wala akong ma-enjoy na para lang sa sarili ko, ganun din naramdaman ng asawa ko. So ang ginawa namin ang mga sweldo namin sa isang joint account pumapasok tapos we transfer our allowances to our respective accounts. That way, there's a feeling of independence and control.
Minsan pag wala na kaming wiggle room at isa samin gustong bumili ng take-outs for dinner or kumain sa labas or manood ng sine, we offer to use our allowance. KKB kami ng Mister ko. :)
Having an allowance has truly helped me and my husband to enjoy the hard-earned money we bring to the table. Kelangan din naman i-enjoy ang pinagkakitaan natin no!
Kayo ba may allowance? Magkano?
No comments:
Post a Comment