Jul 17, 2010

Magbaon ka!

Photo of Jollibee at Central, Hong KongImage via Wikipedia
Naalala mo pa ba nung elementary student ka pa lang? Diba araw-araw kang may baon. May lunch box ka pa at lalagyan ng tubig? Kelan tumigil yun?

College na ako nung natigil na ang pagdadala ko ng baon. Naging full time money allowance na sya.

Masarap mag-lunch out lalo na kung masasarap din ang niluluto sa cafeteria, food courts or sa mga restaurants malapit sa school or office. Pati nga Jolly Jeep ang sasarap ng mga ulam! Yum!

Ngayon grown up ka na, nagbabaon ka pa rin ba lalo na sa work? Kung oo, magaling! Buti ka pa! Ang hula ko, 3 of out 10 workers lang ang nagbabaon. Maraming nagsabi sakin non na mas mura pa raw kumain sa labas kesa magbaon. Ano sa tingin mo?

Kung may tira ka ng ulam mo the previous night, maiging ibaon mo na lang kinabukasan. Una, nauubos mo ang tira kesa masira lang. Pangalawa, nakakatipid ka pa.

Di naman kelangang tira ang ibaon mo lalo na kung ikaw yung tipo na ayaw kumain ng repeats. Maghanda ka ng sandwich or salad. Di rin kelangan na marami kang baon na pagkain, lalo na ang kanin. Nakakaantok sya sa hapon at nakakatamad ng magtrabaho.

Sa office ko maraming nagbabaon. Madalas ang kinakain ng mga office mates ko ay salad, sandwich, leftovers, or noodles. Yung iba prutas at raw vegetables lang ang kinakain like carrots, celery, at kung ano-ano pang healthy foods.

Kung di ka nagbabaon at kumakain ka sa pinakamurang kainan na makikita mo, usually unhealthy sya. Ang 1-pc Chicken Joy value meal ng Jollibee is P84 na. Multiply it by 5 days a week and you're already spending P420, wala pa ron ang extra rice! Alam mo bang sa buong taon ng pagkain ng Chicken Joy meal ay tumataginting na P21,840 yun?!

Sana maisip mong magbaon maski twice a week para maumpisahan mo ang pagtitipid. Sa P21,840, marami ka nang mabibiling pagkain para may maibaon ka rin. Mapipili mo pa ang healthy ingredients and you will have control over your portions. Malay mo, mag-lose ka pa ng weight.
Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment