Jul 25, 2010

Do you value your stuff?

XBOX 360 + Wii + x2vga2 = winImage by KPY via Flickr
When you buy new things, how long does it take bago yun magmukhang luma? If it still manages to stay in near mint condition after 1 year, then good for you!

My husband and I had plenty of arguments on this topic. He argues that stuff is stuff, that they are just things. I strongly disagree. Stuff means money spent maski pa regalo sya.

You buy things for multitude of reasons, such as:

- to improve your life
- to make your life convenient
- to entertain or make you happy
- to give to someone

The worst reasons to buy new things are to replace broken ones or when things get stolen.

Why I value my stuff?

I value the things I buy because I value the money I spend to buy them. I hardly splurge, and even then they are usually on stuff that I or my family can use. I don't like spending on things that just take up space and gather dust, like figurines. Pati nga picture frames ayoko eh.

Things have shelf life and I accept that fact. What I don't accept is shortening the shelf life, intentionally or intentionally. Gadgets like entertainment things, eg. Xbox or Wii, can last a long time, pero kung di pag-iingatan masisira lang.

Kapag di inaalagaan ang mga kagamitan, mauubos ang pinag-ipunan ko sa kakapalit ng mga yon. Hindi ko na mabibili ang mga bagay na gusto ko pang bilhin, di ako makakapag-ipon ng marami, di ko mapaghahandaan ang kinabukasan ko at ng pamilya ko.

Ang OA no?

Actually, hindi. Sa sobrang dami ng technology at sa sobrang bilis ng evolution nito, sinong makakapagsabi na di ako bibili ng latest version? Pero dahil maingat ako, pwede kong ilaan ang kikitain ko sa future para naman sa ibang mga bagay na gusto kong makuha or maranasan. At kung gusto ko talagang palitan, maibebenta ko pa yung luma.

I told my husband about my sentiment. Dumating sa point na paulit-ulit na ako (read: nag?). Ang latest nyang I-don't-give-a-rat's-ass moment is nung tanggalin nya ang protection ng iPhone nya dahil ang kapal daw ng pakiramdam sa kamay. Ang kainisan pa non, sya ang may gustong bumili ng protection na yun para raw magtagal ang iPhone nya dahil alam nyang maiirita lang daw ako kapag nagasgas yun agad.

When you care for your stuff, you value yourself. You respect the money that you earn. You also value your future.
Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment