Aug 6, 2010

Environment-friendly ka ba?

Recently my husband said that he wanted to sell our Victa electric mower. Kasi raw para matapos nyang ma-mow ang buong property namin (around 700sqm of grass), it will take him 3 days. The mower kasi has to be charged for a minimum of 12 hours before we can use it again. It takes a little over an hour bago ma-drain ang battery ng mower.

Victa Mower 3Image via Wikipedia

So bakit to issue for me? Kasi nung naghahanap kami ng mower, gusto ko sana is yung petrol-type pero medyo environment-friendly na hilaw ang asawa ko. Nung nalaman kong 12 hours ang charging time nya, diskumpyado nako nun, pero go na lang ako para wala nang issue.

Hilaw ang environment friendliness nya, in my opinion, kasi ayaw nyang magsampay ng labada! Gusto nya palagi gumamit ng dryer. Ok lang naman sakin mag-dryer kung winter dahil almost a need sya lalo na kung walang tigil ang ulan. Pero pag summer, I really want to air dry our clothes.

Siguro nga magkaiba ang priorities namin about being green. May mga ibang bagay na magkasundo kami about being green, such as pag-compost at pag-recycle. Hard core talaga kami about those 2 things.  Even sa mga products na ginagamit namin, tulad ng laundry powder. May mga eco-conscious clothes na maganda sanang bilhin pero ang mamahal pa ng mga yun sa ngayon. Siguro in another 10 years I might consider buying one or 2.

So ngayon, nag-agree na kami na ibenta yung electric mower tapos bibili na lang kami ng 2nd hand petrol mower. Mukhang forest na yung backyard namin! :) Desperada nako!
Enhanced by Zemanta

2 comments:

  1. hi! I super love your blog! oks lang ba na pirate-in ko yung budget plan mo? haha thanks!

    ReplyDelete
  2. Hi Ayette, oo naman feel free to pirate my budget if it works for you! :) Ikaw ang first commenter ko :) May nagbabasa pala ng blog ko. Haha!

    ReplyDelete