Parang headline sa diario no? :)
Kapo-post ko lang nung isang araw about sa $620 childcare rebate na makukuha namin. Nakuha na nga namin kaso naman the other day we received a notification from our kid's daycare that they are going to increase their rates by $50/bi-weekly.
Shet. Ang laki!
In the first 2 years with them, the increases were around $12/bi-weekly. Di masyadong ramdam. Pero itong $50 effective the first week in November is sobrang ramdam!
Malapit nang mag-kindergarten ang anak ko. This means less money paid towards daycare dahil libre ang schooling dito. Bababa ng mga $150/bi-weekly ang pay out namin next year.
Dalawang reasons bakit sila magtataas: 1. Increase ng GST (or VAT) at 2. Yearly increase ng salaries ng teachers. Four percent ang increase ng sweldo nila! Sana lang mas mataas pa sa 4% ang increase ng sweldo ko. Malalaman ko yun next week.
Apektado rin kami sa VAT, lahat naman tayo, lalo na kung consumer ka. Buti na lang walang VAT ang mortgage dahil kung meron man, ewan ko na lang. Ibebenta na lang namin bahay namin at mag-rerenta na lang kami.
Pamahal ng pamahal lahat despite the recession. Grabe ang buhay talaga! Paano na lang kung marami kaming anak? Hay nako.
Kaya maski risky man sa ngayon na maglipat kami ng bansa, gagawin pa rin namin. May kabagalan ding umahon dito sa kinalalagyan namin. I mean, mabagal magpayaman! Mas mahirap kung may utang tulad namin. Imagine ko na lang yung ibang mga tao na mas marami pang utang kesa sa amin at marami sila! Meron ngang journalist dito who came out na $50k ang utang nya at single sya ha! Grabe no?
No comments:
Post a Comment