My husband has been unhappy in his job for more than a year now. Naghahanap na sya ng work ever since. He has been looking overseas (dun sa lilipatan namin) pero grabe naman ang recession doon. As in sa isang position, at least 200 applicants ang karibal nya. Dito naman walang masyadong magagandang opportunities. Kung meron man, ang bababa ng sweldo.
The other night nakakita ako ng position for him na sobrang interesado sya, kaso nung nakita nya ang range ng sweldo budgeted for the position nakakapanlumo naman. The maximum that the employer is willing to pay for is $30k/year less than what my husband gets now. That means $1,200 a month less than what we get now, combined.
Ayaw na nya agad mag-apply pero sabi ko ituloy nya and then negotiate if/when he is offered. Yun din ang isang frustration nya sa work nya ngayon. Mataas na ang kinikita nya na parang pang-trap na sa kanya kung sakali mang gusto nyang maghanap ng ibang trabaho.
Honestly, magiging mahirap para samin kung sakaling mabawasan ang take home pays namin. May mga utang pa kasi kaming binabayaran. Kung wala sana, ok lang na mag-work sya on a lesser salary in a job that he enjoys tremendously. Important saming mag-asawa ang work enjoyment. We spend 8 hours a day doing it, we might as well enjoy doing it diba?
I immediately checked our budget and changed his net pay to what he'd get if he got that job. Deficit talaga kami if ever. Sobrang dami rin ng sacrifices ang gagawin namin on top of our sacrifices already. Di na namin mababayaran ang student loan nya. Lalong di kami makakaipon. Sobrang tiis ang kelangan namin gawin, for what? Para masaya sya sa work tapos ang family naman namin magsa-suffer?
Hay. Bakit ba ganun? May work ka nga, taas ng sweldo pero di ka naman masaya. May makita ka namang ok sana, ang baba naman ng sweldo. Any advice?
No comments:
Post a Comment