Oct 21, 2010

Ikatlong mundo

Kapag tinatawag ang Pinas na third world, deep inside nagre-react na agad ako. I easily get defensive dahil the definition of the term "third world" had been redefined into what it is now - degrading.

Parating iniisip kong hindi kami third world no! Paanong magiging third world yun kung maraming mayayaman?


Nung isang gabi habang nag-iinternet ako, nakarinig ako ng iyak ng bata. Baby pa sya at di pa naglalakad, at ang tingin ko wala pang 1 taon yun. What bothered me was that it was past midnight na!

Nakatira kasi ang mga parents ko sa isang area na malapit sa ghetto. Yung mga tao ron gusto nila dumaan sa lugar namin dahil maluwag at malapit sa public transportation tulad ng jeep at buses.

Lumabas ako sa balkonahe at inobserbahan ko ang mangyayaring kasunod. Yung babaeng nagbubuhat sa bata ay di pala nanay nung bata. Narinig ko syang pinapagalitan yung bata at sinabing darating na raw ang nanay nya. Hindi ko alam bakit sila nakatayo sa kinatatayuan nila pero ang hula ko ay inaabangan nya ang nanay nung bata. Nakita ko pang hinampas nya yung hita nung bata, eh di lalong ngumawa yung bata! Ang engot.

May sumitang tao sa babae para patahanin ang bata at iuwi. Bumuwelta ba naman ng wala kang pakialam ha!


Ano ba?!?!?!

Masama bang mapagsabihan nun? Di naman para sa kanya yun kundi sa bata.

Eventually umalis din sya at yung bata tumahan din pero ang tagal nyang umiyak. Naaawa talaga ako sa bata at napasigaw pa ako ng konti para nga patahanin yung bata. Nakita ko ring binigyan nila ng pagkain yung bata, siguro biskwit, at tumahan naman at pagkatapos nga noon ay tumayo na yung babae at umalis. Yung iyak ng bata, kung ako iiyak ng ganun, ay masakit sa ngala-ngala. Frustrated na, galit na, pagod na, gutom pa ang bata.

Nabalisa ako sa nasaksihan ko. Ganun na ba talaga ang mga mahihirap sa atin? Bakit sila nag-aanak tapos di rin pala nila mabigyan man lang ng environment na mararamdaman ng bata na mahal sya at inaalagaan? Dito ko naisip na kaya siguro third world tayo in its most undignified meaning. Sa mga low income people natin makikita ang progress ng society natin.

Kung pumunta tayo sa first world countries, may makikita ba tayong babaeng may dala-dalang infant na umiiyak at nagmamakaawa sa labas ng kalsada at past midnight? Siguro kailangan ko ring maranasan ang tumulong talaga sa kapus-palad in person, hindi lang puro charity at donations para talagang maramdaman kong mayaman na ako based on the level of comfort that I enjoy on a day-to-day basis.

Nakakalungkot talaga. Maraming dumaan na tao sa harap ng babae at ng bata pero dumaan lang at di man lang tumingin. Walang pakialam. Pero ano bang ipinagkaiba ko sa kanila? Ni hindi nga ako bumaba agad. Nung nag-desisyon na ako eh patapos na yung iyak at paalis na sila. Nalulungkot din ako para sa sarili ko.

Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment