Image via Wikipedia
Nagpagupit ako today sa Bench Fix at pinakita ko pa yung gusto kong style na nakita ko sa internet. Ilang buwan ko ring sinave yung link para pagdating ng oras na gusto ko nang magpakulay ng dark brown at mag-change into a dramatic look, meron akong reference.Sabi nung stylist kelangan ko raw i-blow dry yung buhok ko everyday para ma-achieve ko yung look na gusto ko. Ayokong mag-blow dry talaga kasi sa tingin ko nakakasira ng hibla ng buhok yun. Eh di kulay muna ang naganap. Maganda naman ang kinalabasan pero in the end gusto ko rin pala ng lighter brown. Ano ba yan?!
Nag-usap pa ulit kami ng stylist kung anong gupit talaga ang gusto ko. Sabi ko na lang sya na ang bahala. After nyang matapos, na-realize ko na same hair style rin ang nakuha ko nung nagpagupit ako sa ibang Bench Fix branch. Ano ba yan?! Bakit ganun? Ako ba ang problem or sila? Bakit pareho sila ng hairstyle na pinili para sakin? Yun ba talaga ang bagay sakin?
Sabi ng asawa ko safe style lang daw ang kinalabasan at nag-agree ako sa kanya. Wala lang, parang gupit lang talaga. Wala man lang wow effect. Disappointed ako, hindi sa kanila kundi sa sarili ko. Dapat kasi nakinig na lang ako sa gut instinct ko na subukan yung hairstyle na nakita ko a few months ago. Sayang din yung binayad ko no. P2,100 for color at P350 for the cut. Tip pa of P500 - hati na yung 2 stylists na nag-asikaso sakin.
Sa susunod talaga kelangan dramatic look na!
No comments:
Post a Comment